Ikalawang Yugto

[2018]

 

“Thank you, come again!”

 

 

Nginitian ko yung kahera matapos nyang ibigay sakin ang inorder kong pagkain. Lunch break ko sa office ngayon at dahil wala akong dalang pagkain, naisipan kong bumili nalang ng sandwich. Umupo ako sa lamesa na katabi ng bintana. Kilala mo naman ako. Favorite kong maupo sa tabi ng mga bintana ng mga restaurant kapag kumakain o nagchichill at gawin ang favorite past time ko. Anong past time? Ano ka ba, alam mo yun! Pero kung nakalimutan mo na, fine.

 

 

People watch.

 

 

Gustong – gusto kong pinapanood ang mga taong busy sa buhay nila at inoobserbahan sila. Nawirduhan ka nga sakin nung unang beses kong ginawa to ng magkasama tayo, diba? Heh, ganun talaga kapag mga writer.

 

 

Sinimulan kong kainin ang sandwich ng may mapansin akong babae sa playground na katapat ng restaurant. Tantya ko, mga nasa age 21 na sya or mas bata. At sa suot nyang damit na kulay pulay at itim na pantalon, malamang dun sya sa cake shop nagtatrabaho. Oh, hindi ako stalker, ah. Observant lang talaga ako. At dahil narin nakasulat ang pangalan ng shop nila sa uniform nya. Nakatingin sya sa mga batang masayang naglalaro sa playground. Siguro tulad ko, mahilig din syang magobserba ng mga tao. O baka naman naaaliw sya sa mga bata.

 

 

Ibabaling ko na sana ang atensyon ko sa iba ng mapansin ko ang isang batang babae at batang lalaki sa may swing. Muka silang nagaaway, eh. Nakakunot kasi yung noo nung batang babae. Pero yung batang lalake? Nakangiti pa. Inaasar nya siguro yung batang babae. Malamang, may gusto yung batang lalake dun sa batang babae kaya nya inaasar. Ganyan kasi kayong mga lalake, eh. Lagi nyong pinagtritripan at inaasar ang mga babaeng gusto nyo.

 

 

Ah, which reminds me of that one particular memory of you.

 

 

Napangiti nalang ako habang pinapanood sila. At dun ako napaisip tungkol sa ilang bagay. Naalala ko yung mga panahon na halos kalahati ata ng buong schoolmates natin, eh, alam ang tungkol sating dalawa. Childhood sweethearts nga daw tayo, diba? Nakakatawa.

 

 

Pero…

 

 

Paano nga ba ‘ko nagkagusto sayo?

 

 

At sino nga ba ang unang nagkagusto sating dalawa?

 


 

[2000]

 

“Diane! Bakit ka nakachinelas sa school?!”

 

 

“Oo nga! Siguro wala kang pambili ng sapatos, no? Hahaha!”

 

 

Iilan lang yan sa mga sinasabi nila sakin kapag napatripan nila akong asarin. Tulad ng ibang “rare” na mga bata, mayroon akong sakit sa balat na eczema. Nakakahiya mang pumasok sa school ng nakachinelas, wala naman akong choice kundi isuot yun. Sabi kasi ng doctor, hindi daw dapat tinatakpan ang eczema dahil baka mas lalo pang lumala. Natatakot din naman akong lumala yun kase sabi nila, baka daw putulin ang paa ko, eh.

 

 

Suplada ako, oo. Mahiyain ako nung una, lalo na nung nagtransfer ako sa school nyo, pero natuto akong maging suplada. Tinataasan ko ng kilay ang mga batang nangaasar sakin at natuto akong sumagot sa kanila kaya minsan, iba nalang ang inaasar nila. Taklesa daw ako at mabunganga nung mga panahon na yon. Naalala ko nga na napagalitan ako ni Mrs. Siclat nun isang beses dahil sa sobrang daldal ko, eh.

 

 

“Pwede ba?” tanong ko sa kanila pagkatapos bumuntong hininga. Wala ako sa mood para makipagsagutan sa kanila non. “Kung gusto mo ding magchinelas, magchinelas ka. Walang pumipigil sayo, no.” Mataray kong sagot sa isa sa kanila.

 

 

“Bakit ako magchichinelas? May pambili ng sapatos ang mommy at daddy ko. Hahaha,” nangaasar nyang sagot.

 

 

Hindi ba nila talaga ako titigilan?

 

 

Pero syempre, hindi ako papatalo. Kahit sabihin kong wala ako sa mood. Hindi magpapatinag ang isang Diane Fuentebella no.

 

 

Huminga ako ng malalim. Pumamewang ako at sa pinakamataray kong itsura, tinignan ko sya ng diretso. “Yun naman pala, eh. Anong pakelam mo kung nakachinelas lang ako?” At tinaasan ko sya ng kilay.

 

 

At that point, kung ano – ano nalang ang sinagot nya para lang asarin ako. Gumatong din ang kasama nya. Hindi ko nalang sila pinansin, mapapanis lang ang laway ko sa kanila. Naisip ko din kasi na kung hindi ko sila papatulan, titigil din sila eventually sa pangaasar sakin.

 

 

Kaya lang, hindi parin sila tumigil, eh.

 

 

Nung maglalakad na sana ako paalis, hinila nung isa yung buhok ko.

 

 

“Aray!”

 

 

Ibang klase. Kalalaking tao, nanghihila ng buhok.

 

 

“Bilis, kunin mo yung chinelas nya!” sigaw nung isang lalake sa kasama nya. Dali – dali namang kinuha nung isa yung chinelas ko. Sinubukan nyang kunin pareho, pero dahil sa kamamadali nya, isa lang ang nakuha nya.

 

 

“Nakuha ko na! Nakuha ko na! Hahaha!!”

 

 

At saka sila tumakbo palayo.

 

 

Naiwan ako sa corridor magisa, suot ang nagiisa kong pares ng chinelas. Ibang klase talaga. Ano bang meron sa chinelas ko at napagtripan nilang kunin yun? Ah, ewan. Sa mga oras na yun, dapat kong mabawi ang chinelas ko. Ang hirap maglakad kapag isa lang ang chinelas mong may takong no.

 

 

Kaya naman hinabol ko yung dalawa. Ilang corridors din ang inabot namin at ilang beses din akong sumigaw ng tabe sa mga schoolmates kong nakaharang. Nakita ko silang tumatakbo sa direksyon nung corridor na may dead – end kaya naman tumigil ako sa paghabol sa kanila. Tinanggal ko ang chinelas na meron ako at ngumiti. Humanda akong ibato ang natitira kong chinelas sa kanila. Syempre, wala namang ibang tao dun maliban saming tatlo, eh.

 

 

“Ha! Magpaalam na kayo sa mundo!” sigaw ko sa kanila. Nagtinginan ang dalawang bugoy bago ko ibato sa kanila ang chinelas. Magaling ako sa dart at asintado ata ako. At dahil dun…

 

 

Nalaglag sa labas ang chinelas ko nung mashoot sa labas ng bintana.

 

 

“Hahaha! Duleng!” sigaw nung isa, sabay tapon sa labas ng isa ko pang chinelas na hawak nila.

 

 

“Yung chinelas ko!” napasigaw nalang ako at tumakbo papunta sa may bintana. Nakita ko ang mga chinelas ko sa baba at yung mga taong gulat na gulat siguro dahil sa lumipad na chinelas. Tumakbo yung dalawang batang lalake paalis at malakas na nagtawanan. Ahh… ano bang ginawa ko para mangyari sakin ‘to? Karma ko ba ‘to sa pagiging mataray? Ah, hinde. Hindi, Diane. Kaya ka nagtataray para hindi mangyari sayo ang mga gantong bagay.

 

 

Pero bakit hindi na ata tumatalab ang pagtataray ko?!

 

 

Tatakbo na sana ako paalis para bumaba sa first floor at kunin ang chinelas ko ng mapansin ko ang isang batang lalaki nakasuot ng uniform namin na nakatayo sa tapat ng mga chinelas ko. Hindi ko sya napansin kanina sa sobrang dami ng tao sa labas. Kanina pa ba sya dun? At bakit nya tinitignan ang chinelas ko?!

 

 

Bigla syang napatingin sakin sa taas. Nagulat ako nung magtagpo ang mga mata namin. Kilala ko ang lalaking ‘to, eh. Bakit sa dinami – dami ng taong makakakita sakin at sa mga chinelas ko, bakit si Kenneth pa?

 

 

Dahan – dahan nyang pinulot ang mga chinelas ko bago ibinaling ulit ang tingin sakin. Aasarin ba ko nito? Kaibigan nya yung dalawang bata na gumawa sakin nito, eh. Ah, oo nga naman. Magkakasabwat sila! Kunyari lang na nakulong sila dito sa may dead – end, pero yun talaga ang balak nila. Plinano talaga nila ang lahat ng ‘to. Tama! Diane, pinagkakaisahan ka ng mga bastos na mga lalaking yon! Isusumbong ko talaga sila kay teacher!

 

 

Pero nagulat ako sa mga sumunod na nangyari.

 

 

Akala ko, itatapon pa ulit ni Kenneth yung mga chinelas ko o ipapakain sa aso, eh. Pero nagulat ako kasi hindi nya ginawa. Ang mas nakakagulat pa don, eh, ngumiti sya sakin. Oo, ngumiti sya! Nginitian nya ko! Hindi yung nakakaasar o nangaasar na ngiti, ah. Basta may iba sa ngiti nya nung mga oras na yun. Hindi ko alam o masabi kung ano, pero basta may iba! Bakit ako nginingitian neto?! At bakit mayroong parang kumirot sa puso ko?! Naramdaman ko ding naginit ang mga pisngi ko. Ano bang nangyayari sakin?!

 

 

Nawala nalang ang pagkatulala ko ng mapansin ko syang naglakad papasok ng school dala ang mga chinelas ko. Kaya naman mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan para magpunta sa first floor. Nasa third floor kasi ako nun. Nang makababa ako sa hagdan, saktong kakapasok palang ni Kenneth sa gate. Tumango sya kay manong guard na para bang magkasing edad lang sila. Narinig ko nga si manong guard na tinanong si Kenneth kung bakit sya may dalang chinelas, eh. Natawa nalang si Kenneth at naghagis ng kendi kay manong guard. Natamaan nga lang si manong guard ng kendi sa ulo kaya ayun, nairita siguro at sinita si Kenneth. Pssh, nakakatawa. Ayan kasi, kung makaasta sya, akala mo kung sinong cool.

 

 

“Sorry na, manong guard.”

 

 

Napakamot nalang sya sa ulo nya nang dakdakan pa sya ni manong guard. Hanggang sa mapansin nya ko na nasa hagdan. May konting kumirot na naman sa puso ko nang magkatinginan kami. Hindi ko magawang umiwas ng tingin sa kanya. Nung mga oras na yun, para bang may magnet sa titig nya kaya hindi ako makatingin sa iba. ‘Huy, Diane, gising!’ Kung nakakapagsalita lang ang utak ko, malamang yun ang sinasabi nya sakin nun.

 

 

Sabay kindat nya sakin, kasabay ng isa pang ngiti.

 

 

Para kong nakuryente nung ginawa nya yun at mabilis kong ibinaling sa iba ang tingin para lang makaiwas sa titig nya. Sa dulo ng mga mata ko, nakita ko syang tumawa. Aba, ang lokong ‘to. Pinagtatawanan ata ako. Pero kung sabagay. Sino nga bang hindi matatawa sa itsura ko eh wala akong suot na chinelas at nakamedyas lang?

 

 

Nung magsimula syang maglakad paakyat ng hagdan, nakaramdam ako ng kaba. Sakin ba sya lalapit? Hindi naman siguro. Pero hawak hawak nya ang mga chinelas ko, eh! Ilang hakbang nya pa paakyat ng hagdan, nagsimula akong magpanic. Mukang sa akin nga sya papunta! Tumingin ako sa paligid ko at naghanap ng kakilala para makausap. Siguro naman, kapag nakita nyang may kausap ako, hindi na nya ‘ko kakausapin, diba?

 

 

Sakto naman na nakita kong paparating ang isa kong kaklase nung grade 5. Kahit hindi kami close, lumapit agad ako sa kanya at kinausap nya. Napa – “huh?” nga sya sa gulat, eh.

 

 

“Ui, ano! Kamusta ka na?” tanong ko sa kanya, habang sa dulo ng paningin ko, napansin ko padin na papalapit si Kenneth. “Anong bago sayo ngayon?”

 

 

Parang awa mo na, sumagot ka, classmate!

 

 

“Sino ka?” sagot nya sakin. At tinaasan nya ko ng kilay. Napansin kong tumigil si Kenneth sa paglapit samin. “Close ba tayo? Bakit mo ‘ko kinakausap?”

 

 

Para ‘kong binagsakan ng langit nun. Naging magkaklase nga kami, pero hindi ata kami nagusap kahit isang beses. Kinapalan ko lang ang muka ko na kausapin sya.

 

 

“Ah… eh…” natataranta kong tugon sa tanong nya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi ko din alam kung may muka pa kong maihaharap sa kanya pagkatapos nito.

 

 

“Hmph! Dyan ka na nga.” At sabay walkout ng classmate ko nung grade 5.

 

 

Naiwan kaming dalawa ni Kenneth sa may hagdan. Kahit na maraming estudyante malapit samin nun at samu’t sari ang ingay sa paligid, pakiramdam ko nun, unti – unting nababalot ng katahimikan ang paligid ko. Hanggang sa yung tibok nalang ng puso ko ang naririnig ko.

 

 

Mabilis.

 

 

Sobrang bilis.

 

 

“Diane.”

 

 

Napatalon ako sa gulat nang tawagin nya ko. Bakit ako kinakabahan? At bakit naging magugulatin ata ako kay Kenneth?

 

 

Dahan – dahan akong napatingin sa kanya, habang sya, nakatayo padin malapit sa hagdan hawak ang mga chinelas ko. Ano bang gusto nya? Baka pati medyas ko, gusto din nyang kunin. Pati ba naman medyas ko? Sobra na yun, ah!

 

 

Tinignan nya ko mula ulo at dahan – dahan pababa. Minamanyak ata ako nito, eh! Notorious si Kenneth sa pagiging malapit at malambing sa mga babae. Isa pa, may girlfriend na din daw sya. Grade 6 palang kame, may girlfriend na agad?! Yun ang narinig kong balita, ah.

 

 

Tumingin sya sa mga paa, ah, medyas ko. Nakasuot pa naman ako ng medyas, eh. Nahiya ako nung mapansin kong tinignan nya yung mga medyas ko. Una, may eczema ako. Kung talagang balak nyang kunin ang mga medyas ko, makikita ng lahat ang benda ko. Pangalawa, nakayapak nalang ako, eh.

 

 

Nagsimula syang maglakad ulit palapit sakin. Napaatras ako ng isang beses. Ilang segundo pa, tumigil sya sa harap ko.

 

 

“A – ano…?!” sigaw ko sa kanya sabay taas ng mga kamay ko at ready ng mangkung fu. Favorite ko si Jackie Chan at marami na kong napanood na movie nya kaya kaya kong gayahin ang mga kung fu moves nya. Siguro… pero mas mabuti na yon kesa wala. Malay ko ba kung anong gawin nya sakin?

 

 

Ready na kong pakitaan sya ng kung fu moves ko ng bigla syang lumuhod sa harap ko na parang isang prinsipe. Syempre, nagulat ako! Bakit naman sya luluhod sa harap ko? Imposibleng magdadasal sya. Santo ba ko para dasalan?! At bakit sya lumuluhod na parang prinsipe, aber? Hindi naman sya prinsipe, no!

 

 

Isa o dalawang minuto din siguro kaming nasa ganong sitwasyon: ako, nakatayo at ready ng ipakita ang kungfu moves ko, habang sya nakaluhod padin sa harap ko na malaprinsipe. Ilang mga estudyante din ang naglakad at nilagpasan kami. Narinig ko ang mga bulunggan nila at simpleng tawanan habang nakatingin samin. Natatawa malamang sa itsura namin at nawindang samin.

 

 

“Diane,” tawag ni Kenneth, sabay tingin sakin. Napatingin nalang din ako sa kanya. “Akin na yung paa mo.”

 

 

Ano daw?! Anong kailangan nya sa paa ko?!

 

 

“B – bakit?! Anong kailangan mo sa paa ko?!” pangmamataray na sagot ko. Dapat lang na tarayan ko sya no. “Pati ba naman medyas ko, kukunin nyo din? Nananahimik ako dito, tapos pagtitripan ako ng mga kaibigan mo at kukunin ang chinelas ko?” Sinabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. Kasalanan naman talaga ‘to ng mga kaibigan nya, eh. Mas mabuti nang alam nya. “Ibang klase din kayo, no? Ano bang kailangan nyo sa chinelas at type na type nyo?” walang preno na ang bunganga ko.

 

 

“Madaldal ka naman pala, eh.”

 

 

“Ha…?!”

 

 

At ngumiti sya uli, dahilan para mas lalo akong mainis. Ano bang problema neto ni Kenneth?

 

 

“Mas gusto mo bang magmedyas lang?” tanong nya sakin, pagtapos ay natawa sya.

 

 

Tadyakan ko kaya to? Nangangati na yung tuhod ko na tadyakan sya, eh, makabawi man lang sa mga kaibigan nya. Pero bago ko pa man din maisagawa ang nasa isip ko, bigla nyang nilapag amg mga chinelas ko sa harap ko. Tumingin ulit sya sakin at ngumiti. At sa ngiti nyang yun, para narin nya kong inanyayahang isuot ang mga chinelas ko.

 

 

Natulala ako sa nangyari. Nawala lahat ng inis ko at nakalimutan ko ang lahat ng masasama kong gustong gawin sa kanya. Sa mga oras na yon, tila walang laman ang utak ko at lahat ng logic ko, nawala.

 

 

Oh, ang O.A ko na magreact.

 

 

Hindi agad ako nakarecover sa pagkagulat at pagkatulala nung mga oras na yun. Kaya naman naramdaman ko nalang ang kamay ni Kenneth na inabot ang mga paa ko at isa – isang isinuot sakin ang mga chinelas ko.

 

 

“Yan. Hindi ka na nakayapak lang.”

 

 

Hindi ako nakaimik.

 

 

“Malamig pa naman yung sahig.”

 

 

Weird. Dapat naiinis ako, eh…

 

 

Pero bakit parang natutuwa ata ako?

 

 

At bakit ang bilis na naman ng tibok ng puso ko?

 

– Kismet: Ikalawang Yugto –

Itutuloy..

2 thoughts on “Ikalawang Yugto

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.