Ikatlong Yugto

A/N: Pure flashback na ang episode na ‘to. Please like, subscribe and comment kung nagustuhan mo ang episode na ‘to. 🙂


 

[ 2000 ]

 

Magisa akong nakatayo sa may veranda malapit sa cr ng mga babae. Lunch break namin ngayon at hinihintay ko si Candace na lumabas sa CR. Si Candace, yung bestfriend ko. Naging magkaklase kami at magkaibigan nung grade 4, pero grade 6 na kami naging sobrang close at official magbest friend. Sanggang dikit nga kami, eh. Hindi mo makikita ang isa samin ng wala yung isa.

 

“Candy.” Tawag ko sa kanya. Yun ang palayaw nya. “Matagal ka pa ba?”

 

“Sandali nalang, Diane,” sagot nya sakin mula sa loob. “Inaayos ko lang yung buhok ko.”

 

Napabuntong hininga ako. Medyo naiinip na din kasi ako. Hindi naman kasi ako mahilig magayos ng sarili ko tulad nila. Basta masuklayan ko lang ang buhok ko, okay na ko.

 

Sumandal ako paharap sa may veranda at pinanood ang mga estudyanteng pumapasok sa gate. Nasa second floor kasi kami dahil nandito ang classroom ng mga grade 6. Malapit na ring matapos ang lunch break kaya nagsisipagbalikan na ang mga estudyanteng lumabas ng school para kumain sa labas.

 

Mahilig akong manood at magobserba ng mga tao at paligid ko. Mahilig kasi akong magsulat ng mga storya at kumukuha ako ng inspirasyon sa mga bagay na nakikita ko. May naisip nga akong storya na isulat, eh. Kaya lang, wala pa kong mapagbasehang totoong tao. Naisip ko kasi na mas madaling magsulat ng isang storya kapag may pinagbabasehan kang tao.

 

Napabuntong hininga na lang ulit ako at ipinagpatuloy ang panonood sa mga estudyante sa baba. Pinapanood ko sila, oo, pero alam mo yung pakiramdam na para kang tulala? Yung para bang dumadaan lang sila sa paningin mo at hindi ka naman talaga nagpe – pay attention? May mga napansin akong napatingin sa direksyon ko at kung ngumiti man sila, hindi ko na napansin at pinansin.

 

Hanggang sa nahagip ng paningin ko si Kenneth.

 

Para akong biglang natauhan nung makita ko syang naglalakad papunta sa school gate. Alam mo yung pakiramdam na para kang nakuryente pero hindi masakit? Yung tipong bigla nalang nabuhayan yung mga dugo ko? Nakakatawa nga, eh. Kahit ang layo pa nya, natanaw ko na sya kagad. Paano ko ba naman syang hindi mapapansin agad, eh hindi na naman sya sumusunod sa uniform guidelines ng school. Hindi na nga sya nakasuot ng polo shirt, nakaputing t-shirt pa sya! Bawal kaya ang naka t-shirt. Sabi sa uniform guidelines, kailangang sando ang pangilalim. Ang tigas talaga ng ulo nya. Kapag sya nahuli at napagalitan ng mga teacher, nako.

 

Kasama nya yung dalawang kaibigan nya na kumuha ng mga chinelas ko nun at masaya silang naguusap at nagtatawanan habang naglalakad. Hmph, siguro nagiisip na naman yung mga yun kung anong gagawin nila para asarin ako at idadamay pa nila si Kenneth. Hindi na talaga nagsawa ang dalawang yun. Kailan kaya nila ‘ko titigilan?

 

Tinignan ko ulit si Kenneth at binalewala ang mga kasama nyang kaibigan. Tuwang – tuwa sya, oh. Ang saya – saya ng muka nya at ang aliwalas nyang tignan. Ano kayang pinaguusapan nila? Bakit kaya sya masaya? Masarap siguro ang kinain nyang lunch. Ang bango nya ding tignan. Alam kong bawal magsuot ng t-shirt sa school, pero ang cute nyang tignan kapag ganyan ang suot nya.

 

Hay, Kenneth…

 

“Kenneth?” narinig kong biglang tanong ni Candy.

 

Napatalon ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses nya. Nakatayo sya sa gilid ko at tulad ko, gulat din ang itsura nya. Sinabi ko ba ng malakas yun? Nagulat ba sya dahil nagulat ako o…?

 

“C – Candy! K – Kanina ka pa dyan?”

 

“Oo, medyo,” sagot nya sakin. Bakit hindi ko man lang napansin o naramdaman na nakatayo na pala sya sa tabi ko? “Kanina pa nga ‘ko nagsasalita dito. Wag mong sabihing wala kang narinig sa mga sinabi ko?”

 

“Huh? Ano ka ba? Syempre…!” Natigilan ako at nakita ko ang pagkasabik nya sa isasagot ko. Ilang segundo din ang lumipas at hinihintay nya padin ang sagot ko.

 

“Syempre…?” tanong nya sakin na may paguudyok ng sagot.

 

Wala akong nasagot. Wala naman talaga kasi akong narinig sa mga sinabi nya.

 

“Ahh! Wala ka ngang narinig sa mga sinabi ko!”

 

“S – sorry na…” Nakakahiya! Bakit nga ba kasi wala akong narinig?!

 

“Bakit kasi tulala ka dyan?”

 

Ako, tulala? Hindi, ah. Bakit naman ako matutulala, diba?

 

“Ano bang tinitignan mo sa labas?”

 

Napangiti nalang ako. Natawa na may halong pagaalinlangan. Bakit ako kinakabahan? Ewan ko. Pero nung mga panahon na yun, sana hindi nya malaman na tinitignan ko si Kenneth. Napantingin nalang din sya sa baba at tila hinahanap ang rason ng pagkatulala ko.

 

“Si Kenneth ba yun?” unang sambit nya sakin. Mas lalo akong kinabahan. Bakit sa dinami ng mga estudyante at tao sa labas, si Kenneth talaga ang nakita nya? “Si Kenneth yun, diba?”

 

“Huh? Saan?” nagmamaang – maangan kong sagot at kunyari hinanap si Kenneth. “Hindi ko makita.”

 

Ang sinungaling ko. Malayo palang, tanaw na tanaw ko na kagad si Kenneth.

 

Tumingin sakin si Candy at napakunot ang noo nya. Yung tipong para syang nawiwindang sa mga kilos ko, ganon. Nakita ko sa mga mata nya na may gusto syang itanong. Pero nginitian ko nalang sya. Yung ngiti na parang nagsasabi na hindi ko alam kung anong gusto nyang sabihin. Sa mga panahong yun, hiniling ko na sana wag na muna syang magtanong. Wag na muna syang magsalita.

 

“Tara, Candy. Bumalik na tayo sa klase,” aya ko sa kanya sabay hawak sa kamay nya. “Malapit na din namang matapos ang lunch break.” At sinimulan ko syang hilain pabalik ng classroom.

 

Pero may ibang balak pala si Candy.

 

Unang hakbang palang naming pabalik ng classroom, bigla nalang syang sumigaw at tinawag ang pangalan ni Kenneth. Nagulat ako, syempre, at mabilis ko syang nabitawan.

 

“Kenneth!” isa pang tawag ni Candy na may kasamang kaway at ngiti. Sa dulo ng mga mata ko, nakita kong napatigil si Kenneth sa tapat ng gate nung marinig ang pangalan nya. Para ‘kong biglang napako sa kinatatayuan ko nung makita ko syang nakatingin samin. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapaglakad paalis. Ni hindi ko sya magawang tignan ng diretso.

 

“Bilisan nyong pumasok! Malapit ng matapos ang lunch time!” masayang sabi ni Candy.

 

Hindi ko parin sya matitigan ng diretso pero nakikita ko ang bawat galaw at reaksyon ni Kenneth. Ang weird pero para bang bigla akong naging masyadong sensitibo… ah, hinde… obserbatibo pagdating kay Kenneth. Bakit nga ba?

 

Masayang tumango si Kenneth kay Candy at kumaway din sa kanya. Aba! Kailan pa naging close ang dalawang ‘to? Bakit hindi ko ata alam yun? Ah, bakit pa ko nagtataka? Mabait si Candy at palakaibigan, hindi tulad ko na masungit. Halos lahat ng kaklase namin, kilala si Candy. Anak kaya sya ng school nurse namin. Syempre, imposibleng hindi sya kilala ni Kenneth dahil dun.

 

Ahh… buti pa si Candy.

 

“Diane!”

 

Nagulat ako ng marinig kong tinawag ni Kenneth ang pangalan ko. At dahil dun, mabilis akong napatingin sa kanya at naramdaman kong biglang bumilis ang tibok ng puso ko. At bakit parang bigla atang uminit? Pinagpawisan ako bigla, eh, mahangin naman sa labas. Ah, ewan ko, pero halo – halo yung naramdaman ko nung mga oras na yon. At bakit parang tumataas ata balahibo ko? Hindi naman masakit ang tyan ko kaya imposibleng tinatawag ako ng kalikasan. Ahh… nasisiraan na ata ako ng ulo, eh.

 

“Ang sungit mo, ah,” narinig kong sinabi ni Kenneth sabay tawa. Hindi ko kasi sya sinagot nung tinawag nya ko. Tinignan ko sya, pero wala akong sinabi. Meron ba dapat akong sabihin? “Ngumiti ka naman dyan. Tatanda ka kagad nyan kapag laging nakakunot ang noo mo.” At nagtawanan ang mga walanghiya nyang kaibigan.

 

Ah, ano pa nga bang aasahan ko sa kanya? Syempre, walang sasabihing maganda ang taong ‘to. Kaibigan nya yung mga batang lalaki na kumuha ng mga chinelas ko nung isang araw lang. Tama nga ang hinala ko kanina. May binabalak na naman tong mga ‘to sakin.

 

Inirapan ko nalang sya sabay talikod sa kanya. “Tara na, Candy,” aya ko kay Candy. “Hindi mo dapat pinapansin ang mga ganyang klase ng tao, nako.”

 

“Ha? Bakit naman?”

 

“Kunyari lang yang mga yan. Nung isang araw lang, pinagtripan ako ng mga yan. Kinuha nila yung mga chinelas ko!”

 

“Huh?! Bakit hindi mo sinabi sakin?!” nagaalalang tanong nya sakin.

 

Napakibit balikat nalang ako at nagsimulang maglakad pabalik ng classroom. Sinundan ako ni Candy at patuloy syang nagtanong tungkol sa nangyari at kung bakit hindi ko sinabi at kung ano – ano pa. Masyado kasing protective si Candy sakin, eh.

 

“Ikwekwento ko sayo mamaya.”

 

Sinabi ko yun para tumigil na muna sya sa pagtatanong. Lahat kasi ng nararamdaman ko kanina, biglang nawala sa isang iglap. Yung bilis ng pagtibok ng puso ko? Wala na, bumalik na sa normal. Baka nasobrahan lang ako sa kape. Ah, hindi nga pala ako uminom ng kape. Yung kaba ko nung tinawag ni Candy si Kenneth? Wala na din yon. At yung pagtaas ng balahibo ko? Pssh, baka may dumaan lang na multo. Basta ang alam ko lang ngayon?

 

Wala akong gana.

 

Nawalan nga ba ko ng gana? O dismayado lang ako sa ginawa ni Kenneth?

 

-KISMET: Ikatlong Yugto-

Itutuloy


4 thoughts on “Ikatlong Yugto

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.