
Happy Endings at Soulmate?
Naniniwala ako na totoong nageexist ang mga yan.
Bata pa lang ako, I’ve always believed in love. Fan kaya ako ng mga Disney movies, with all their happy endings and such.
I always cry kapag nanonood ako ng mga romantic movies; nadadala ako ng bawat emosyon nila. Umiiyak din ako sa tuwa sa tuwing ikwekwento sakin ng mama ko ang love story nila papa.
Yun ang mga patunay ko na nageexist at nangyayari ang mga happy endings. Isang patunay na kahit na bilyon – bilyon ang populasyon natin sa mundong ‘to, may natatanging tao ang nakatadhana satin.
“Red Strings of Fate”, ika nga nila.
Lahat tayo ay may kanya – kanyang red strings sa dulo ng mga daliri natin at sa kabilang dulo non, nandun ang soul mate natin.
Ang sarap pakinggan, diba?
Kahit gaano pa katagal ang hintayin mo…
Kahit gaano pa kadaming tao ang makikilala mo…
Naniniwala ako na balang – araw, magkakaroon din tayo ng kanya – kanyang happy ending kasama ang mga soulmate natin.
I believe in happy endings. And soulmates. And Unicorns. And fairy godmothers.
I believe in love..
I love “love” and the whole idea and meaning of it…
I believe in Fate.
Destiny..
Kismet…
Lalo na nung araw na dumating ka sa buhay ko.