Chapter I.iii

I Guess that’s Love!

© Ayana Mikain


I.iii

[Neutral POV]

Isang gabi, sa Full Moon Bar…

“Cyan.”

Sa harap ng bar, nakaupo si Cyan at nilalaro ang susi ni Layla. Tinignan nya ang bartender ng marinig ang pangalan nya.

“Napaaga ka ata. Wala pang alas nuebe, nandito ka na ngayon,” natatawang sabi ng bartender. Umayos ng upo ang binata, sumandal sa bar table at ininom ang baso na may vodka. “Naghapunan ka na ba?”

Umiling si Cyan at natawa. “Nagmeryenda lang. Kanina pa ‘ko umiinom ng kape. Hinahanap na ng lalamunan ko ang alak.”

Tumawa din ang matanda. Matagal na nyang kilala si Cyan at alam na alam na nya ang mga hilig nyang gawin. Parang anak na rin ang turing nya dito.

“Nagpuyat ka na naman ba kagabi? Baka naman masyado ka nang nagpapagod sa trabaho mo. Bata ka pa.”

“Relax, pops. I worked hard enough, but I always have time to unwind,” he scoffed as he took another shot.

“O baka naman puro pageenjoy nalang ang ginagawa mo. May kasama ka na namang babae kagabi no?” Ngumiti lang si Cyan sa tanong ng bartender. “Cyan, halos nasa edad ka ng pagaasawa. Wala ka pa bang balak magseryoso sa babae?

“Pops, maraming iiyak na babae kapag ginawa ko yun.”

Napailing ang bartender. Magsasalita pa sana sya ng biglang may lumapit na babae sa kanila.

“Hi, pops,” bati nya sa bartender bago humarap kay Cyan at ngumiti. “Hi.” Then she tucked her hair on one ear. “I see you’re alone. I’m here with my friends,” sabi nya at casually tinuro ang table na may ilang babae. “Wanna join us?” Aya nya at humawak sa balikat ng binata.

Umubo kunwari ang bartender kaya napatingin ang dalawa sa kanya.

“Perhaps buying you a drink will make you agree?” dagdag pa ng babae.

Cyan let out a scoff. “Of course not. I won’t say no to a lady’s request,” sagot nya at sabay ubos ng vodka sa baso nya. Tumayo sya sa upuan at hinawakan ng babae ang kamay nya. Nang akmang aalis na sila, tinawag sya ng bartender.

“Cyan, naiwan mo ang susi mo.”

Napatingin si Cyan sa table at nakita ang susi ni Layla. Naalala nya bigla yung nangyari nang magpunta sya sa Ribbonlandia para ibalik sana ang susi nito.

“Is something wrong?”

Napatingin sa orasan si Cyan. Alas – nuebe. Kinuha nya ang susi sa table bago humarap sa babae. “Sorry, nakalimutan kong may pupuntahan pala ako.”

“What? But…”

“Next time,” he smiled and winked, before leaving towards the door. 

 


[Layla’s POV]

Alas – diyes ng gabi sa Ribbonlandia…

“Kuya Mark, thank you sa pagpunta, ah?” sabi ko kay kuya Mark paglabas namin nila Ryoko at extra sa Ribbonlandia.  

Hanggang alas nuebe ang hours of operation ng Ribbonlandia pero alas diyes kami lumalabas dahil kailangan pa naming maglinis ng shop. Si kuya Mark naman ang head pastry chef namin at tinawagan ko sya kanina para pakiusapan kung pwede nya kaming puntahan para maisara ang tindahan. Kailangan kasi yung susi para maclose ang shop dahil nasa labas ang lock ng pinto. At maliban sakin at sa manager, sya lang ang may spare na susi . Syempre, hindi ko naman pwedeng tawagan ang manager namin, diba? Edi nalintikan ako kung ginawa ko yun. Yun nga lang, nakakahiya at inabala ko pa si kuya Mark. Day off pa man din nya ngayon.

“Wala yon, ano ka ba?” Sagot nya sakin. “Pero ano nang balak mo ngayon? Ang sabi mo, nawala mo ang susi mo?” Tumango ako.

“Hay nako, kuya. Nawala nya, pero may nakahanap naman ng susi nya,” sabat ni Extra. Out of reflexes, nahampas ko sya sa balikat at pinandilatan ko sya. Hindi na nya kailangang sabihin yun, eh. Ang daldal talaga ng babaeng ‘to.

“Actually, kuya, may good samaritan na nagpunta dito kanina para ibalik ang susi ni Layla,” sabi ni Ryoko.

“Ry?” I protested. Nakita kong kumunot ang noo ni kuya Mark.

Natawa si Ryoko at ipinagpatuloy ang pageexplain. “Yun nga lang, tinaray – tarayan nitong Layla natin. Ayun tuloy, umalis at hindi na binalik ang susi.”

“Aba, loko yon, ah. Hindi ba nya alam na hindi nya pwedeng gawin yun? Store property ang susi na yun at para narin syang nagnakaw,” sabi ni kuya Mark and I nodded my head in agreement. Oo nga naman. Tinanggay nung makeout boy na yun yung susi ng Ribbonlandia and that alone is a crime already. “Eh, teka. Bakit mo naman kasi tinarayan, Layla?”

I almost lost my balance nung narinig ko yun. Tignan mo ‘tong si kuya Mark. Akala ko pa man din, kakampi ko sya. Tapos bigla nya ‘kong babanatan ng ganyang tanong.

“Eh kasi, kuya…” Mageexplain na sana ako ng biglang dumating ang boyfriend ni extra sakay ng kotse nya.

“Ayan na ang mahal ko!” excited nyang sigaw at kumaway sa boyfriend nya. Muntik na ‘kong mabilaukan nung narinig ko yun. Ang corny talaga ng babaeng ‘to. “Tara na, Ry. Kami na ang maghahatid sayo sa bahay nyo.”

Ryoko nodded before turning towards me. “Layl, are you going to be okay?”

Nginitian ko sya para iassure sya. Ayokong magalala pa sya sakin. “Oo naman, ano ka ba? Ako pa, eh si Layla Felice ako, diba?” Sinabi ko yun kahit na ako mismo, walang kasiguraduhan. Pero akin na lang yun.

“Try mong kunin ulit yung susi mo dun sa gwapo,” suggestion nya sakin. Natawa nalang ako at napailing. I doubt na magkikita pa kami nun. Pwera nalang kung magiba ang ihip ng hangin at maisipan nyang ibalik ang susi ko.

“Wag kang mag-alala. Kapag nagkita kami, ako ng bahala sa kanya. Makakatikim sya ng uppercut sakin.”

Natawa si Ryoko. Mukhang naconvinced ko sya dun, ah.

“Okay. Good night, Layl.” Then she gave me a hug before waving goodbye at Kuya Mark. Sumakay na sya sa kotse nila extra and we watched them as they drove away.

“Oh, hatid na kita sa kotse mo, Layl. Saan ka ba nakapark?”

“Hindi na, kaya ko na, kuya. Thank you ulit at pasensya na sa abala.”

“Sigurado ka? Baka makasalubong ka ng lasing dyan.”

“Heh. Takot lang nila sakin. Alien ako, no.” I joked. Natawa din naman sya sa joke ko. Then I waved him goodbye and we parted ways. Sa malapit lang sya nakapark, eh. Ako naman, since puno ang shopping center kanina, medyo nasa malayo ako nakapagpark.

Habang naglalakad ako papunta sa kotse, nakita kong nakaalis na si kuya Mark. Tumingin ako sa paligid ko; may ilang taon pa naman sa paligid at buhay pa naman ang mga ilaw sa poste. Napatingin ako sa langit at nakita ang ilang stars. Iilan lang ang nakita ko though; masyado na kasing laganap ang light pollution, eh.

Nung malapit na ‘ko sa kotse ko, dun ko napansin na may tao na nakaupo sa ilalim ng poste not too far from me. Hindi ko maaninag ang muka kahit nasa ilalim na sya ng poste, may slight case kasi ako ng myopia kaya hindi ko nakikita ng malinaw kapag malayo. I paid them no mind; after all, baka may hinihintay lang sya.

Nakita ko syang napatingin sa direksyon ko kaya naman pasimple akong tumingin sa gilid ko para icheck kung may kasunod ba ‘ko o modus yun at baka may sumusunod na sakin o ano. Phew, wala naman. So bakit sya nakatingin sakin? Ah, Layla. Naprapraning ka na naman.

Nakita kong naglakad yung tao papunta sakin. Medyo nakaramdam na ‘ko ng kaba dun. Baka mamaya, adik ‘to o holdaper, eh. Mapagtripan pa ‘ko. Worst, rapist. Wala pa man din akong dalang pepper spray. Dali – dali kong kinuha yung susi ng kotse mula sa bag ko at tumakbo papunta sa kotse ko. Grabe, para ‘kong nasa horror movies neto, ah!

I unlocked my car and immediately jumped inside. Nilock ko kagad ang pinto at nung susian ko ang ignition key, nahulog ko yung susi kakamadali ko. Anak ng tinapay! What is it with me today and my keys? Ang careless ko!

Nakapa ko yung susi malapit sa paanan ko at napaandar ang kotse ko. At yun nga lang, tulad ng sa horror movies, pagtingin ko sa dashboard ko, nakita ko ang silhoutte ng isang lalaki na nakatayo sa harap ng kotse ko. I closed my eyes and screamed. Diyos ko, Lord, gusto ko pa pong makauwi ng matiwasay samin!

 

“Layla!”

O Lord, alam nya ang pangalan ko! Stalker ba ‘to?! Bakit may stalker ako?! Kailan pa?!

“Layla, it’s me!”

It’s me?! Close ba kami ng stalker na ‘to?!

“Layla, it’s me. Cyan!”

Cyan? Cyan. Cyan.

Parang nagecho yung pangalan na yun nung marinig ko. Hinding – hindi ko makakalimutan ang pangalan na yun dahil yun ang pangalan ni make – out boy.

I slowly opened my eyes and turned on my headlights. And lo and behold, si make – out boy nga ang nasa harap ng kotse ko. He waved a hand at me and smiled na para bang walang nangyari. Samantalang ako, eto, takot na takot dahil baka masalvage ako ng wala sa oras.

Makakapatay ako ng babaero ng wala sa oras.

I jumped out of my car, slammed the door close at nilapitan sya. I was still shaking from fear, pero nararamdaman ko din ang pagtaas ng presyon ko at pagkulo ng dugo ko. “Ikaw na naman?!” I yelled at him. “Ano na naman ang kailangan mo?! Akala ko, holdaper ka or rapist, eh! Sasagasaaan na sana kita!”

“Sorry, I didn’t mean to scare you.”

I rolled my eyes at him. ‘Sorry, I didn’t mean to scare you’ daw. Sinong niloko nya?

“Ano na naman ba ang kailangan mo? Bakit nakaupo ka dun? Nagdadrugs ka ba?”

“Wow, that’s harsh.” Then he frowned a bit.

Medyo naguilty ako dun, ah. So nasasaktan din pala sya sa lagay?

“Gusto ko lang magsorry sa nangyari kanina.”

I squinted my eyes at him. “Kanina? You mean yung ginawa mo sa tindahan?”

He nodded. “That, and the other one. Yung nakita mo sa park.”

Medyo natawa ako dun, ah. That, meaning yung makeout session nya sa park. I crossed my arms at him. “Wala akong pakelam sa nangyari sa park. Wala sakin yun, that’s none of my concern. “

“Okay, okay. But still, I’m sorry sa inasal ko kanina sa shop.”

“Okay. Tapos na tayo?”

“And I’m giving this back.” At nilabas nya ang susi ko at inabot sakin. “I should have returned this to you in the first place.”

I suspiciously looked at him. Bakit parang nagiba ang ihip ng hangin at naisipan nyang ibalik sakin ang susi ko? Samantalang kanina, ang dami pa nyang pasakalye.

“Bakit ganyan ka makatingin?”

“Wala akong tiwala sayo,” I said, bluntly. Malay ko ba kung pakitang tao nya lang yun, diba? Mahirap nang magtiwala agad – agad.

He chuckled. “Ibang klase.” Nilapag nya ang susi ko sa hood ng kotse ko and raised his hands mid-air. “There’s your key. You can trust me. Wala akong binabalak na masama sayo.”

Tumingin ako sa paligid namin at nakita ang iilang mga empleyado ng grocery shop malapit samin. Then I glared at him. Kung niloloko lang ako ng lalaking ‘to at may gawin syang kalokohan, may tutulong sakin kapag sumigaw ako.

“Come on. Ganyan ka ba talaga kawalang tiwala sakin?” he asked. “Eto, aatras pa ‘ko para makasiguro ka na wala akong gagawing masama sayo.” Then he took a few steps back.

Wala akong tiwala sa mga lalaking hindi ko kilala, at mas lalong wala akong tiwala sa mga lalaking tulad nya. Pero, sige. Okay, let’s give him the benefit of the doubt.

I walked closer and grabbed my key mula sa hood ng kotse. And at that moment, parang nagliwanag ang langit at narinig kong kumanta ang mga anghel sa langit. Gusto kong umiyak sa tuwa nung mga oras na yon. Thank you, Lord, at naibalik sakin ang susi ko! Hindi na ‘ko mafafire out and I can still be a pastry chef! Ang lakas ko talaga sayo.

“Ehem.” I heard him cleared his throat. Napatingin ako sa kanya while clutching the keys in my arms. Nilagay nya ang mga kamay nya sa bulsa nya at ngumiti sakin. He didn’t say anything though. I choked back a gulp.

I guess…. I guess I owe him thanks.

“T – Thank you…” I stammered a bit. Medyo naguilty kasi ako at nahiya to the way I treated him.

“No problem. I hope you’re convinced na hindi ako masamang tao?”

I tilted my head a little to the side na parang nagmumuni – muni. “I guess?” Natawa sya at lumapit sakin. “Mabuti nalang… matino kang tao. For someone making out in public, mabuti ka rin naman pala.”

“I wasn’t making out.” Wait, bakit sya nageexplain? “She kissed me and you just happened to be there.”

Wow, ah. Ang gwapo nya masyado at sya pa talaga ang hinalikan ng babae? Okay, sige. Siguro nga, ganun ang nagyari, granted na gwapo sya.

“Right.” I answered with an unconvinced tone.

“You don’t believe me?”

Well, slight. Medyo ang conceited kasi ng dating sakin, eh. But wait, why discuss this? That was none of my concern.

I cleared my throat. “A – anyway, thank you ulit sa pagbalik ng susi ko,” sabi ko, in an attempt to change the topic. And awkward na kasi ng feeling ko. “I guess I owe you one. Anong pwede kong gawin para makabawi man lang sayo?”

Then he smiled.

Medyo kinabahan ako sa ngiti nyang yun, ah. Tama bang tinanong ko pa sya non?

He slowly looked at me from head to toe and vice versa. Then he had a smirk plastered on his lips. I looked at myself and instinctively wrapped my arms around me. “A – anong iniisip mo?! Manininggil ka ba ng laman?!”

“Something like that,” he responded, playfully.

I gasped. Totoo ba ‘tong naririnig ko?! Sisinggilin nya ‘ko ng laman?! “Y – You pervert!” Tinalikuran ko sya and started calling for help. “Kuya!! Manong, tulong!”

“Wait, what?!”

“Kuya, manong, tulong! Hinaharass ako! Hinaha.. Oommfff!” bigla nyang tinakpan ang bibig ko. Nagsisisigaw parin ako kahit may takip ang bibig ko.

“That’s not what I meant! Stop screaming! Baka isipin nila na manyak ako!” Then he released me.

Humarap ako sa kanya, brows furrowed in annoyance. “Then what?!”

He grinned.

“Let’s go out on a date!”

Date.

Date..

Date…

At umihip ang isang malamig na hangin.

I Guess that’s Love: I.iii


A/N:  Please like, comment and subscribe if you liked this story. It would mean a lot to me. Thank you, mucho – mucho! 🙂



About Me

Confused writer wanna-be. Struggling to find her North Star. Weird. Dorky. Anime fanatic and casual gamer.

%d bloggers like this: