Chapter I.ii

I Guess that’s Love!

© Ayana Mikain


 

I.ii

 

Ribbonlandia…

 

 

Itim na buhok na medyo mahaba. Kulay brown na mga mata at medyo singkit. Mukhang playboy. May hikaw sa left ear, may suot na wristwatch at nakasuot ng… lab coat?

 

“Hey!” tawag nya sakin with a snap of his fingers at natauhan ako.

 

 

Tumingin ako sa kanya ng gulat at nakita ko syang nakatingin sakin. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si extra na nakahawak sa cake showcase at si Ryoko na nakatingin sakin. May bakas ng katanungan sa mga mata nya at kahit hindi nya sabihin, alam ko kung ano ang gusto nyang itanong: Sino ang lalaking to?

 

 

Napatingin ako kay make – out boy/guy. Whatever.

 

 

“Sa itsura mo, parang gusto mong sabihin na “ikaw yung lalake kanina na nakikipagmake out sa park!” sabi ni makeout guy. Napanganga si extra at si Ry sa narinig nila. O, diba? Narinig lang nila na nakikipagmake out sya kanina, nagulat na sila. Paano pa kung nakita talaga nila in action?

 

 

Napangisi ako. Ganun ba talaga ang itsura ko? At kung ganun nga naman ang itsura ko, mabuti na rin yon para alam nya kung anong first impression ko sa kanya.

 

 

Siniko ako ni Ry kaya napa-aray ako at tinitigan ko sya. “Gwapo naman pala,” pasimpleng bulong nya sakin. “Hindi mo naman sinabi sakin na gwapo yung nakita mo.”

 

 

I rolled my eyes. “Mahalaga pa ba yun?” pasimple at pabulong kong sagot sa kanya.

 

 

At habang abala kami sa pagbubulunggan ni Ryoko, ayun si extra at umeksena bigla.

 

 

“Sir pogi, is there anything that fancies you here in our shop? Kita mo naman, mukhang masarap ang mga cakes namin,” sabi nya in her most flirtatious tone. Palibhasa, gwapo kasi ang kaharap kaya umarangkada na naman sya. “Or kung ayaw mo naman ng cakes, available din naman ako, basta ikaw.” At kumindat pa talaga sya, ah!

 

 

“Actually, I want her.” Sagot nya, sabay turo sa direksyon namin ni Ry.

 

 

Nagkatinginan kaming dalawa ni Ryoko at nagusap kami sa mata. At bago pa ‘ko makapagsalita, tinulak na nya ‘ko paharap at muntik nang sumubsob kung hindi lang ako nasalo ng taong nasa harap ko.

 

 

“R – Ry?! What gives?!” Tanong ko sa kanya, bago ko narealize na si make out boy pala ang sumalo sakin. Ngumiti sya sakin. Nanlaki ang mga mata ko nung narealize ko yung closeness namin kaya bumitaw ako sa kanya at medyo tinulak sya palayo.

 

 

“Sya ang gusto mo, diba?” Sabi ni Ryoko. Ayan na naman yung nakakaloka nyang ngiti.

 

 

“Huh? Eh Ry, hindi naman for sale…” sabi ni extra bago takpan ni Ryoko ang bibig nito.

 

 

“Ikaw na ang magaccomodate sa kanya, Layl.”

 

 

“Huh? Bakit ako?” reklamo ko, pero bago pa man din nya ko sagutin, may dumating ng mga bagong customer kaya naman yun na ang inatupag nila ni Extra. Naiwan kami ni make out boy na magisa.

 

 

Isang minutong katahimikan. Pero sa loob ng isang minutong yun, pakiramdam ko, ilang taon na ang lumipas.

 

 

Weird.

 

 

“So, miss,” panimula nya at syang bumasag sa katahimikan na namamagitan saming dalawa. Lumapit sya sa cake showcase at chineck ang mga cakes na nakadisplay. “Mukhang masarap ‘tong mga cakes nyo. Anong irerekomenda mo sakin?”

 

 

“Ah… lahat? Try mo lahat, sir. Masarap yang lahat.”

 

 

“Talaga? Ganun ba kasarap lahat yan?”

 

 

Oo naman. Dugo at pawis ko ang pinuhunan ko dyan, kakaassist kay kuya Mark na pastry chef namin.

 

 

Tumingin sya sakin na parang naghihintay ng sagot. Umiwas ako ng tingin sa kanya. And weird. Ngayong kaharap ko sya at kausap, ang weird ng pakiramdam ko. Para ‘kong nako-conscious. “M – masarap ang mga cakes namin dito.”

 

 

“Okay. Isang coffee at slice ng black forest cake then.”

 

 

“S – sure…” tumango ako at niring up ang mga orders nya. Medyo yumuko din ako at ifinocus ang attention ko sa register namin para lang hindi ko sya tignan. Ayoko syang tignan kasi ang weird ng feeling. Kanina lang, nakita ko sya sa park na nakikipagmake out dun sa babaeng mahaba at kulot ang buhok. Nasaan na kaya yun? Bakit hindi sila magkasama ngayon?

 

 

At habang abala ako sa ginagawa ko sa register, napansin ko syang parang may sinisilip sa paligid ko. Napatingin ako sa magkabilang gilid ko para tignan kung meron bang kung ano na dapat pagtuunan ng pansin pero wala naman akong nakita maliban sa coffee machine at sink. Ano namang sisilipin nya sa coffee machine namin o sink? Baka gusto nyang malaman kung anong klase ng coffee beans ang ginagamit namin? O baka naman gusto nyang makasiguro na hindi kami gumagamit ng tap water para sa coffee?

 

 

“Valhalla Java Ground ang coffee beans na ginagamit namin, sir,” sabi ko sa kanya kaya naman napatigil nya. “At wag kang magalala, kasi filtered water naman ang ginagamit namin sa coffee namin.”

 

 

Hindi sya umimik.

 

 

At lulubusin ko na ang pagexplain sa kanya ng order nya. “Moist chocolate ang ginamit namin para sa cake na yan at para sa layer, a combination of ganche, whipped cream at dark cherries.” Alam na alam ko ang black forest cake na yan dahil aside sa ako ang assistant pastry chef, paborito ko din ang black forest cake. “Kung allergic ka naman sa nuts, wag kang magalala. Walang kahit anong bahid ng kung anong nuts yan, I guarantee you.” Tinignan ko sya at nginitian.

 

 

“Ibang – iba ang itsura mo ngayon kesa sa kanina.”

 

 

Hindi padin nawawala ang ngiti ko sa kanya. “Ikaw din. Kaya ka ba may suot na lab coat para magmuka kang disente?”

 

 

Hindi sya sumagot. Himala, hindi man lang sya nagreact sa sinabi ko. Nung hindi parin sya sumagot, dun ko lang narealize kung anong sinabi ko. I mentally slapped myself as I came to the realization na I may have crossed the line for that remark. Nakalimutan ko na nasa oras pa pala ako ng trabaho at customer namin sya. Oh, no. Layla, ano na namang ginawa mo? Hindi ka talaga marunong tumahimik minsan.

 

 

Magso – sorry na sana ako ng bigla syang tumawa. Bakit naman kaya sya tumatawa? Nakakatawa ba yung sinabi ko?

 

 

“Feisty,” sabi nya, before leaning over the counter. “Ibang – iba ka talaga sa nakita ko kanina.”

 

 

“M – Masyado kang malapit,” sagot ko sa kanya as I motioned for him to step back a bit. “W – wag kang magalala. Hindi ko sasabihin kahit kanino yung nakita ko kanina sa park.”

 

 

At nagkibit balikat lang sya. Ang weird talaga.

 

 

“$7.89 ang total mo para sa cake slice at coffee.”

 

 

“Oh, right,” cool nyang sagot. Kinuha nya yung wallet nya sa bulsa nya at sa paglabas nya ng wallet, may nilabas din syang susi na syang kinagulat ko.

 

 

Nasa kanya ang susi ko!

 

 

Inabot nya sakin ang bayad nyang cash at kahit na kinuha ko ang pera nya para iprocess ang transaction, nakatingin parin ako sa susi ko na hawak nya. Napansin nya siguro yun kasi tinaas nya yung susi ko. At ako naman, sinundan ng tingin yung susi. I watched as he dangled my key on both sides at para akong aso na sunod – sunuran sa laruan nya. My God, anong ginagawa ko?!

 

 

Tumawa si make – out boy at parang natapakan ang pride ko dun, ah.  “Hihintayin kita sa table,” pagtatapos nya, sabay kindat sakin at naglakad papunta sa isang table sa tabi ni bintana.

 

 

Wait…. did he just asked me to share a table with him?

 

 

~~~~~~

 

 

A few minutes later…

 

 

“Layl, hanggang kelan mo balak hawakan yang order ni pogi?” tanong sakin ni extra.

 

 

“H – ha? Ah…” Oo nga pala. Ready na pala ang order nya at kailangan ko nalang dalhin sa table nya. Ang sabi nya kanina, hihintayin nya ko sa table, eh. Ibalik nya kaya yung susi ko? Hindi naman siguro sya hihingi ng kapalit kung ibabalik nga nya yung susi ko, no?

 

 

“Puntahan mo na. Hindi pinaghihintay ang ganyan kagwapo!” pangaasar ni extra sabay tulak sakin.

 

 

Fine, fine. Wala naman akong ibang choice, eh.

 

 

Lumapit ako sa table ni makeout guy at inilapag yung order nya sa table. Ngumiti naman sya sakin at nagpasalamat. Nagulat ako ng bigla syang tumayo at hinila ang upuan sa tabi nya. Anong trip ng taong ‘to?

 

 

“Upo ka,” he said as he gestured for me to take a seat.

 

 

Wow. Eto ang unang beses na may gumawa sakin ng ganto, ah. May itinatago din palang pagka-gentleman ang taong ‘to. Wait, what am I saying? This is the same guy I saw making out with a girl sa park. Kunyari lang yang pagpapakitang tao nya.

 

 

Umupo ako sa tabi ng hinila nyang upuan. Natawa sya sa ginawa ko, pero wala akong pake. Kaya kong umupo magisa, no.

 

 

“So…” he started after taking his seat across the table.

 

 

“Hihingi ka ba ng kapalit?” I blurted out. Hindi ko na kailangang magaksaya ng oras kaya hindi na ‘ko nagpatumpik – tumpik pa. Nasa kanya ang kailangan ko at kailangan kong mabawi yon sa kanya. “Hihingi ka ba ng kapalit para dyan sa susi ko?” I asked him in my most serious tone.

 

 

“Ang seryoso mo naman.”

 

 

Aba, syempre. This is a matter between life and death no.

 

 

“Ah, where are my manners?” Then he reached out a hand towards me. “Cyan. Juste Cyan Requiem.”

 

 

Cyan? As in yung color? Weird name, pero unique, ah. Makikipagshake hands na sana ako sa kanya ng bigla syang nagsalita ulit.

 

 

“And you must be… Layla?”

 

 

Huh?! Paano nya nalaman ang pangalan ko?! Stalker ba ‘to?!

 

 

Napansin nya siguro yung reaction ko nung sabihin nya yung pangalan ko kaya naman he laughed. Then he looked down towards my chest at ngumiti lang. Nung narealize ko yun, tinakpan ko kagad ang sarili ko. Ang walanghiyang ‘to… minamanyak ako! Tusukin ko kaya ng tinidor ang mata neto?! I feel so violated!!

 

 

“Yung nametag mo.”

 

 

Ah… oo nga pala. May suot nga pala akong nametag. Ilang beses na din akong nagugulat dahil maraming random people ang tumatawag sakin sa pangalan ko. Tinanggal ko yung nametag ko at tinago sa apron ko. Then he let out a scoff.

 

 

I cleared my throat; medyo napahiya ako dun, ah.

 

 

“L – Layla. Layla Felice.”

 

 

“Nice to meet you, Layla.”

 

 

“So, uh… n – nasayo ang susi ko….”

 

 

“Ah, eto?” Then he took out my key and dangled it in front of me. “Napulot ko sa park kanina. Buti nalang, may nakalagay na address kung saan ibabalik if found.”

 

 

I rolled my eyes and looked to the side. Oo, kanina. Nung nabangga ako dahil sa scandal nilang dalawa ng girlfriend nya. Kasalanan nila ‘to, eh. Hindi mawawala ang susi ko kung hindi dahil sa kanila.

 

 

“Kamusta ang sugat mo?”

 

 

Nagulat ako sa tanong nya kaya naman napatingin ako sa kanya bigla. Mas lalo akong nagulat sa itsura nya. Is that a look of concern? Bakit… bakit parang nagaalala sya?

 

 

Ah. Gaganto – ganto lang ako, pero mabilis akong bumasa at pumick up ng emosyon ng mga tao sa paligid ko, ah. Pero hinde, hinde. Imposibleng maging concerned sakin ‘tong Cyan na ‘to, eh hindi naman kami close. Ngayon lang kami nagkakilala!

 

 

“Ah… w – wala ‘to,” then I laughed. “Maliit na galos lang ‘to. Hindi naman ako nasaktan.” Lies. Mangiyak – ngiyak na nga ‘ko kanina nung tinulunggan ako ni Ry, eh. Pero syempre, hindi na nya kailangang malaman yon. “A – anyway… b – baka naman pwede ko nang makuha yung susi ko?”

 

 

Cyan leaned closer on the table, propped his elbow up and rested his chin on his palm. The he just stared at me directly in the eyes. Para akong nakuryente na ewan nung magtama ang mga mata namin kaya naman umiwas ako ng tingin. Kung makatitig sya, akala mo nanghuhubad, eh. Sa dulo ng mga mata ko, nakita ko syang ngumiti. Feeling ko tuloy, parang pinagtritripan lang ako ng taong ‘to.

 

 

“W – wala akong pambayad sayo…” I whispered. Humarap ako sa kanya at yumuko para lang makaiwas sa tingin nya. Then I continued. “Wala akong pambayad sayo. Minimum lang ang sahod ko dito, part time lang ako, at mafa – fire out ako kapag nalaman nilang nawala ko ang susi. Kaya please… please, wag mo na ‘kong singgilin.”

 

 

Hindi sya sumagot.

 

 

Nasabi ko na bang minsan, once na magsalita ako, nagmimistulang parang machine gun ang bibig ko sa dami ng sinasabi ko?

 

 

“Pasensya na kung naistorbo ko kayo ng girlfriend mo kanina. Hind ko sinasadya. Eh, kayo din naman kasi e. Kung magme – make out kayo, dapat dumidiretso na kayo sa private na lugar. Playground pa pinili nyo.”

 

 

“Layla,” he called. Napatingin ako sa kanya. Then bigla nya kong sinubuan ng cake.

 

 

And then silence.

 

 

“Masarap ba?” he asked, smiling.

 

 

Hindi ako makapasalita dahil may laman ang bibig ko. Don’t talk while your mouth is full, bad manners yon. Nilunok ko yung cake piece na sinubo nya sakin and nodded at him in response.

 

 

“Sweet!” he chimed before taking a bite himself, using the same fork he used to feed me.

 

 

Nanlaki ang mga mata ko. Did he just used the same fork as me?! Bakit? Samantalang hindi nga ‘ko nakikishare sa water bottle o utensils o kung ano – ano pa with my friends, eh! Tapos etong taong ‘to… a stranger nonetheless, shared the same fork as me?! Wait, isn’t that almost the same as…

 

 

Naalala ko na naman yung make-out session nila sa park. I almost slammed my head on the table at naririnig ko pa sa isip ko yung sound effects ng session nila. To think na para kaming nagindirect kiss nung babaeng may mahaba at kulot na buhok!

 

 

“That worked,” he commented and I glared at him.  Anong pinagsasasabi nyang ‘that worked?’ Then he continued.  “That was one way to shut you up.”

 

 

Aray, ah. Oo, madaldal ako once na magsimula na ang machine gun mode ko, pero yung sabihan ako ng shut up? Well, he didn’t really say that, per se… Now that I think about it, I guess he was being polite when he did that.

 

 

“Pwede mo naman akong sabihan na tumahimik,” I commented. “Tatahimik naman ako.”

 

 

“Or I could have done it another way,” he grinned. “Though I’m sure you wouldn’t like it.”  

 

 

I paused. Napaisip ako sa sinabi nya. Another way? Another way to shut people up? Eh, whatever. Hindi na mahalaga yun. Hahaba lang ang usapan kung magtatanong pa ‘ko. At napansin ko na sumesegway na kami sa kung saan – saan, ah. “Uh, pwede mo bang sabihin kung anong kelangan mo? I mean, may gusto ka bang kapalit sa pagbabalik mo ng susi ko? Kase, nawiwindang ako sa mga nangyayari, eh.”

 

 

“Bakit naman?”

 

 

Bakit nga ba?

 

 

“Err.. well.. pwede mo naman kasing ibalik nalang kagad yung susi ko, diba? I just find it weird.”

 

 

He let out a scoff. “I didn’t expect you to be this talkative.”

 

 

“Uh.. n – nevermind. Tatahimik nalang ako hanggang sa maisipan mong ibalik sakin ang susi ko.”

 

 

Then there was silence between us. Hindi ako umimik at sya naman, abala sa pagkain ng cake nya at paginom ng kape.

 

 

Ilang minuto pa ang lumipas ng walang nagsasalita samin. Tumingin ako sa paligid ko. Ano ba talagang kailangan nya sakin? Bakit hindi nalang nya ibalik ang susi ko para tapos na ang usapan namin? Naiinip na ‘ko.

 

 

Tumingin ako sa kanya ng pasimple at malapit na nyang maubos ang cake slice nya. Dun ko lang din sya natitigan ng maayos. Yung itim nyang buhok na hindi ganun kahaba. Yung hulma ng muka nya. Yung ilong nya na medyo matangos at yung pilik mata na medyo mahaba. Kung naging babae siguro ‘to, malamang mas maganda pa sya sakin. Parang mas makinis pa nga sakin ang balat nya, eh. No wonder na makapal ang muka nyang makipagmake out in public. Ang mga ganyang klase ng lalake, mataas ang rank sa social world.

 

 

Teka, baka naman… di kaya binabae ang taong ‘to? Parang ang hirap tanggapin na mas maganda pa sya sakin, samantalang ako ‘tong babae talaga!

 

 

Nung naubos na nya yung cake nya, ininom din nya yung kape nya at nagpunas ng bibig. Napatingin tuloy ako sa labi nya. Bakit parang ang enticing ng labi nya?

 

 

Tumingin sakin si Cyan at alam kong nakita nya kong nakatingin sa labi nya kaya ngumiti sya sakin at pinipigilan ang sariling wag tumawa. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko kaya naman mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya at kunyari may tinitignan sa labas. Pero ang totoo nyan, gusto kong iuntog ng paulit ulit ang ulo ko sa table. Nakakahiya!! Gising, Layla, gising!

 

 

“Are you checking me out?” he asked in a casual tone at sumandal sya sa upuan nya. At talagang nakadekwatro pa sya, ah!

 

 

Pero teka… checking him out?! Yun ba ang ginagawa ko? Was I checking him out? Bakit ko naman gagawin yun eh wala naman akong interes sa kanya?

 

 

I let out a sigh and shook my head. Hinde, hinde. I wasn’t checking him out.

 

 

Then I beamed the brightest smile I can at him. “That sounds so conceited. Kapag tinitignan ka ba ng mga babae, ibig sabihin, they’re checking you out?”

 

 

“More or less.”

 

 

“And that applies to family members as well?”

 

 

“Humor me.”

 

 

Hindi ako magpapatalo sa kanya no, so I raised a brow at him. “Well, I’m sorry to burst your bubbles, Mr. Requiem, pero hindi yon ang iniisip ko habang nakatingin ako sayo.” Akalain mo yun. Kaya ko pa palang magtaas ng kilay!

 

 

Cyan didn’t show signs of backing down either. “Oh? Do tell. I’m curious to know.”

 

 

“Sure,” sagot ko sa kanya in my most confident tone. Hindi ko mapapalagpas yung assumption nya na I was checking him out. “Kahit gwapo ang nasa harap ko, pagkatapos ng isang minuto, sawa na ko sa muka nila.”

 

 

His face shifted to that of confusion. Ha. I’ll claim this victory.

 

 

“Tulad ngayon,” I continued, the smile still not disappearing on my face. “Hindi lahat ng tumitingin sayo eh nagwagwapuhan sayo.”

 

 

At dun para syang binuhusan ng malamig na tubig. His face dropped at makikita mo na para syang nawalan ng confidence.  “Wow.. that’s cruel,” he stated.

 

 

I let out a scoff.

 

 

Pero hindi pa pala dun magtatapos yun, dahil kung gano sya kabilis nadisheartened kanina, eh, syang bilis din ng recovery nya. Humarap ulit sya sakin and a mischievous grin was present on his face. “Tell me, Miss Layla. Nakailang boyfriend ka na? I’m guessing na sa ganda mong yan.. –”

 

 

“Wala.”

 

 

“Anong wala?

 

 

“Wala, zero, nada.”

 

 

Bokya. Teka, bakit nya ba tinatanong? Nasa hot seat ba ‘ko?

 

 

Then he continued. “Aren’t you bothered by it? Ilang taon ka na ba? 23? 24?? Wala ka pa bang plans for the future?”

 

 

“I think it’s none of your concern. About my plans for the future, per se. Pero for the sake of you being nosy about someone else’s life, di naman big deal kung wala akong boyfriend, eh. Kung di ko naman trip ang isang lalaki, bakit ako magaaksaya ng oras sa kanila?”

 

 

“Don’t you feel lonely at all?”

 

 

Why does it matter? Bakit kailangan nyang malaman kung malungkot ako o hinde?

 

 

I let out another sigh. “Lahat ng tao, may own share of loneliness. Sa opinyon ko, people who surround themselves with other people, specially girls.. —” Nakita ko yung pagngiti nya. God, gusto ko syang sapakin bigla. Pero napigilan ko ang sarili ko and instead, beamed another smile at him. “…are truly the loneliest people of all.”

 

 

Ding, ding, ding! Ha! Take that, you narcissistic Teppei look-a-like!

 

 

Tumayo ako sa kinauupan ko. “Ito ba ang kapalit ng pagbalik mo ng susi ko? Ang mag-interrogate?”

 

 

“No, no. I just want to get to know you,” he answered as he scratched the back of his head.

 

 

“Ah. Kung ganon, di bale na. Sayo na ang susi ko kung ganun din lang. Kung iniisip mo na katulad lang ako nung babaeng kamake – out mo sa park, nagkakamali ka. Hindi ako interesadong maging parte ng ensemble ng mga babae mo. Mafire out na kung mafire out, kasalanan ko naman na naging pabaya ako, eh.”

 

 

“Wait, Layla…”

 

 

Hindi ko na sya pinansin dahil nagwalk out na ‘ko at pumasok agad sa kitchen namin. The nerve of that guy! May itsura nga sya and all, but that doesn’t give him the right to pry on my private life! Sya yung klase ng lalaki na pinaka-ayoko sa lahat. Palibhasa gwapo, feeling nya, magkakandarapa ang lahat sa kanya. Hell no!

 

 

“Layla!” Narinig kong tawag ni Ryoko at lumapit sya sakin. “Anong nangyari? Anong pinagusapan nyo dun?”

 

 

At kinwento ko lahat kay Ryoko. As in lahat – lahat, no filter. Alam kong magaagree sya sa mga sinabi at ginawa ko sa Cyan na yon. Pero hindi pala.

 

 

“Tinarayan mo sya?!”

 

 

“Uh.. eh, kase, babaero sya, eh!” depensa ko sa kanya. “ The way he speaks, the way he acts, and the fact that he’s making out with someone in public..”

 

 

“Sana tinarayan mo sya pagkatapos mong makuha yung susi mo! At least dapat binawi mo muna yung susi mo, diba?!”

 

 

Sinubukan ko naman yun, eh.

 

 

“Bumalik ka dun!”

 

 

Ha?! Ano daw?! Ayoko nga! Bakit ako babalik dun?!

 

 

“Bumalik ka dun, gwapo pa man din!”

 

 

Tignan mo ‘to si Ryoko. Purkit gwapo, ibig sabihin ba non, mabait na? Maling assumptions yun. “Eh, kung gwapo naman pala, bakit di nalang ikaw ang mag accommodate?”

 

 

She gasped in exasperation. “Layla?!”

 

 

“Ryoko…?!

 

 

At bigla naming narinig ang boses ni extra. “Thank you, sir pogi! Balik ka ulit, ah!”

 

 

My heart dropped at nagkatinginan muna kami ni Ryoko bago dali – daling sumilip sa dining area. Nakita namin si Cyan na lumabas ng Ribbonlandia, dala – dala yung susi ko. Wait, seryoso ba syang aalis ng hindi binabalik ang susi ko?!

 

 

“Paalis na sya, Layla! Habulin mo sya, habulin mo! Kunin mo yung susi sa kanya!” Tinulak nya ko palabas ng dining area. “Wag kang babalik dito hangga’t di mo nakukuha ang susi! Pag wala kang susi, pwede ka nang magpaalam sa mga job oppurtunities mo dahil malalagay sa record mo ang negligent!”

 

 

“Ha?! Bakit di mo sinabi kagad?!” I shouted frantically. Oo, sinabi ko nga yun kanina pero nagjojoke lang naman ako nun! Ngayon lang nagsink in sakin yung katotohanan na mafafire out nga ako! “Sir Cyan!!!” tawag ko sa kanya at dali – daling lumabas ng Ribbonlandia.

 

 

“Sir Cyan! Sir Cyan!” Hinanap ko sya, pero hindi ko na nakita.

 

 

Nung araw na yun…nagkrus ang landas namin ng bagyong Cyan.

 

 

I Guess that’s Love: I.ii

Itutuloy…

 


A/N:  Please like, comment and subscribe if you liked this story. It would mean a lot to me. Thank you, mucho – mucho! 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.