Chapter I.i

I Guess that’s Love!

© Ayana Mikain


 

“There is never a time or place for true love.

It happens accidentally, in a heartbeat, in a single flashing, throbbing moment.”

Sarah Dessen


 

I.i

 

“Aray, aray! Dahan – dahan lang, Ry…!” daing ko kay Ryoko nang nilagyan nya ng ointment ang sugat ko sa siko.

 

“Dahan – dahan na nga ‘to, Layl,” sagot nya sakin ng natatawa. “Sa sobrang dahan – dahan natin, hanggang ngayon hindi parin tayo tapos, oh.”

 

Napasimangot ako sa kanya. Nandito ako ngayon sa Ribbonlandia kung saan ako nagtatrabaho bilang assistant pastry chef. Sya naman si Ryoko Hanazono or Ry, as we call her. Mas matanda lang sya sakin ng isang taon at part time cashier din dito sa Ribbonlandia. Simple lang, yet carries around a sophisticated air around her. Has short, dark red to brown curly hair at blue eyes. Nagkakilala kame sa college: seatmate ko sya sa English class non, eh and we became fast friends.

 

“Ano bang nangyari sayo? Himala, nagkasugat ka ng ganito, eh allergic ka pa naman sa pain,” at itinuloy ni Ryoko ang “dahan – dahang” paglagay ng ointment sa sugat ko.

 

I flinched. Hindi kasi talaga ako sanay na magkasugat. Hindi ko na nga maalala yung time na nagkasugat ako ng ganto, eh. Ganun na katagal ang nakalipas. Totoo din kasi yung sinabi nya. Hindi ako maligalig at adventurous na tao. Actually, para nga ‘kong hindi nageexist kapag kasama mo ‘ko. Hindi mo din ako mapipilit na gumawa ng kahit anong extreme kasi takot akong masaktan. Ayaw na ayaw kong nasasaktan at nagkakasugat kaya naman lie – low lang ako.

 

In layman’s term, boring ako.

 

“Nagpunta ako sa park kanina bago pumasok,” casual kong sagot sa kanya, although may konting pagaalinlanggan ako.

 

“Ikaw lang magisa?” Naninggkit ang mga mata nya sakin.

 

I laughed nervously. “Oo?”

 

“Layla?” she said in a scolding tone. Ayaw na ayaw nyang pumupunta ako sa park magisa, eh. “Ilang beses ko nang sinabi sayo na wag kang pupunta don ng mag-isa, diba? Paano kapag may nangyari sayo dun?”

 

“Relax, Ry. Playground yun. Park na maraming tao. Public place naman yun. Ano namang mangyayari sakin dun, diba?”

 

“Iba na ang panahon ngayon. Yung iba nga, nagja-jogging lang, pero nakikidnap.”

 

“Woah, wag kang masyadong negative. And besides, walang magkakainteres na kidnappin ako, no. Sa itsura kong ‘to? Alien kaya ‘ko.” Then I laughed. “Aso nga, inaayawan ako, eh.”

 

“Hindi ako natatawa sa joke mo. Nagsisimula ka na naman sa “alien” thing.”

 

“Sorry. But I was just stating a fact,” I answered in my most convincing as-a-matter-of-fact tone. “May nagpropose nga kanina sa park pero wala akong naramdamang kahit anong…”

 

“Love. Romantic feelings,” pagpapatuloy nya.

 

Tumango ako sa kanya. “Oo. Hindi ko naappreciate. Hindi ako kinilig at hindi rin ako natuwa. It’s as if devoid na ‘ko ng kahit anong emotions, except for this resting beeeeach face that I have.” Hinabaan ko talaga ang B word since ayokong nagmumura. “If that doesn’t strike you as odd or alien-ish, then I don’t know what you call it. Alam ko sa sarili ko na tatanda akong dalaga.”

 

Pagdating sa usapang love, maaasahan mo ko pagdating sa mga advice or something. Ironic nga, eh. Ako na walang experience sa love, nagaadvice sa mga tao. Pero wala kang maaasahan pagdating sa sarili kong lovelife. Wala ako nun, eh. May ilang mga naging prospects, pero wala ding nangyari. May ilang mga nagtry na manligaw, pero di rin nagtagal. Umpisa palang, sumuko na sila. There’s this one time na sumuko sakin ng dalawang beses ang isang lalake. Nakakatawa nga eh. Wala ng magtyatyaga sakin at tatanda akong dalaga. Tanggap ko na yun. Sing-taas nga kasi ng Eiffel Tower ang standards ko sa love, diba?

 

“Masyado ka kasing mahigpit sa mga lalake. Ni wala kang pinapalagpas sa stage one,” sagot nya at nilagyan ng band – aid ang sugat ko sa siko.

 

“Ganun talaga. Trials and tribulations muna. Paano kami magtatagal kung sa panliligaw palang, sumusuko na sila sakin?”

 

“Kase you make things too difficult for them! Stop making everything so harsh for men. Unless gusto mo talagang maging old maid no.”

 

I pouted.  “I made peace with that fact. Kung yun ang nakatadhana para sakin, then I’ll accept it. Magaampon nalang ako para may anak parin ako.”

 

Tumawa si Ryoko. “Silly. You’ll never experience what it feels like to make love with that kind of mentality.”

 

I gasped. Napanganga ako sa sinabi nya. “Ry?! Konting filter, please?”

 

Pero tinawanan nya lang ulit ako.

 

So what kung virgin ako at matuyo ang bahay – bata ko? Hindi naman siguro kasalanan yun, diba? Choice ko naman yun. And besides, what need do I have to experience making love with someone, eh wala nga ‘kong maramdamang kahit ano? I’m an alien in human suit.

 

Bigla kong naalala yung nakita kong scandal sa park. Yung babaeng may mahaba at kulot na buhok at yung lalaking mala Dean Fuj***a na nagme – make out malapit sa parking lot. Napangisi ako. Naramdaman ko na naman yung kahihiyan na nangoverwhelm sakin kanina. At bakit parang uminit ata ang muka ko?

 

“R – Ry… may… tanong ako.”

 

“Yung mga ‘simpleng kumplikado’ na naman ba?” sarcastic nyang tanong sakin.

 

Natawa ako ng bahagya. Simpleng kumplikado – eto yung mga tanong ko na simple, pero parang kumplikadong sagutin. Mga tanong na “how” or “why” lang naman, tulad ng: bakit si batman ang nasa expression na “bahala na si batman”? Pwede namang si superman, ironman o kung sino pang may “man”.

 

“Hinde, hinde. Situational,” sabi ko. Tumango sakin si Ryoko. Tinignan ko sya ng diretso. Kailangan kong itanong ‘to dahil kung hindi, hindi ako matatahimik. “Anong gagawin mo kapag…”

 

“Kapag?”

 

“Kapag….” umiwas ako ng tingin sa kanya. At naramdaman ko na naman ang paginit ng muka ko. Ano bang nangyayari sakin?  “Kapag…. may nakita kang magsyota, and they’re making out in public?” Phew, natanong ko din.

 

Nawindang siguro sya sa tanong ko dahil hindi sya nakasagot agad. “Ha? Eh, normal lang naman yun in this day and age. Hindi na bago yun.”

 

Yun lang? Oo nga, normal lang ang magmake out, pero kelan pa naging normal ang magmake out sa public place? Lalong – lalo na sa park, sa playground na maraming mga bata?

 

“T – talaga?” hindi ko naiwasang hindi mapacomment. Alam ko sa sarili ko na hindi na dapat ako nagsalita, kasi may idea na ‘ko kung anong pwede nyang isagot sakin.

 

Ngumiti ng nakakaloko si Ryoko dahil dun. Yung ngiti na hindi mo mawari kung matutuwa ka ba o matatakot o ano, eh.

 

“You saw someone making out?” At mas ngumiti pa sya lalo. Napaatras ako sa upuan ko. Sinasabi ko na nga ba, tama ang hinala ko. Mas lalo pa syang ngumiti. “Sino? Kailan? Saan? Paano?” Sunod – sunod nyang tanong at parang kumikinang pa ang mga mata.

 

I regretted the fact na nagtanong pa ‘ko in the first place. Nung mga oras na yun, paulit ulit na nagplayback sa utak ko ang nakita ko kanina. Gusto kong iuntog ang sarili ko sa pader and hope na magkaamnesia ako. Kasabay ng kahihiyang naramdaman ko ang pagkirot ng sugat ko sa siko. Ah, Layla. You should have known to keep your mouth shut.

 

“Ohoho. Bakit parang nahihiya ka ata? And here I thought you said you’re devoid of all emotions!”

 

Hindi na ‘ko umimik kahit gusto kong magprotesta. Hindi ako nahihiya dahil sa nakita ko, no. Nahihiya lang ako dahil sa ginawa nila ni make – out boy. Magkaiba yun.

 

“Layla, Layla, Layla,” napailing si Ryoko na natatawa. “You may say that you don’t want anything to do with romance and all that kind, pero aminin mo, deep down inside you, you’re still that hopeless romantic. You’re like this innocent and naive child, waiting for that fairy tale romance and a prince to sweep you off your feet.”

 

“That’s not true. I know what love is.”

 

Know, yes. But you still have yet to experience it.”

 

“What are you talking about? Naranasan ko na ang mainlove at…” natigilan ako.

 

“At ano, Layl?”

 

I have to end the conversation some way at baka kung saan pa kami umabot at kung ano pa ang maungkat namin dahil sa topic na ‘to. And besides, paano ba napunta sakin ang usapan? Kalanan ‘tong lahat nila make-out boy, eh.

 

“Yung scandal sa park kanina, that was not love. LUST yun.” Tumayo ako sa upuan ko at tumalikod kay Ryoko.

 

“Wait, hindi pa tayo tapos…”

 

“Ry, may naghahanap sayo.” Tawag nung isang kasama namin mula sa lobby.

 

“Okay,” sagot ni Ryoko bago ibinaling ulit ang atensyon sakin. “Wait, dyan ka lang, Layl. Hindi pa tayo tapos magusap. I’ll be back in a bit.” At pagkasabi nya nun, lumabas na sya sa lobby area at naiwan ako magisa.

 

Napabuntong hininga ako, relieved na natapos din ang suffocating na topic na yun. Kung bakit kasi naisipan mo pang itanong yun, Layla.

 

Naglakad ako papunta sa locker room namin. Since hindi naman masyadong busy at hindi ko pa kailangang magbake, naisipan kong ayusin muna ang bag ko dahil sobrang gulo nun gawa nung pagkasabog ng mga gamit ko kanina sa park.

 

At habang nagaayos ako ng gamit ko, naalala ko na naman sila. Tohoho, bakit ba hindi ko makalimutan kung anong nangyari? Making out in public… bakit ang big deal ata sakin? Hindi ba dapat nasa pribadong lugar kayo kapag ganun ang business? Why let the whole world witness your business? But then again, kung iisipin ko din naman, okay na din siguro na at least may ibubuga ang itsura ng mga yun. Kesa naman sa mga mukhang hindi magpapahuli ng buhay, diba? Ah, Layla, what are you saying? Ang sama mong magisip.

 

Naayos ko na lahat ng gamit ko sa bag ng may mapansin akong parang may nawawala. Inisa – isa ko ulit ang mga gamit ko.

 

Wallet. Check.

 

Cellphone. Check.

 

Car keys. Check.

 

House Keys. Check.

 

Notebook. Check.

 

Store Key. Che…

 

Natigilan ako nung hindi ko nakita yung susi ko ng Ribbonlandia. Ilang segundo pa ang lumipas bago naprocess ng utak ko kung anong nangyari.

 

Teka, nasan ang susi ng shop?!

 

“Nasan? Nasaan?” I frantically asked myself aloud while rummaging through my bag. Ilang beses ko ding hinalughog ang bag ko pero hindi ko parin makita ang store keys. Nagpapanic na ‘ko: nasan ang susi ko?! Hindi pwedeng mawala yun dahil kung hinde, patay ako kay Madam Chiz!

 

Wait, Layla. Kalma.

 

I breathed in and breathed out. Isipin mong mabuti. Nadala mo ba talaga ang susi? Syempre naman, may pasok ako sa trabaho ngayon, eh. Alam kong nasa bag ko yun.

 

Ah, kotse. Baka nasa kotse.

 

Dali – dali akong lumabas ng Ribbonlandia at sa kamamadali ko, may muntik na nga ‘kong mabangga sa pinto, eh. Nagsorry naman ako though I didn’t bother looking them in the eyes. At that moment, mas importanteng makita ko ang susi ko dahil kung hindi, yari talaga ako!

 

Pero fruitless din ang paghahanap ko sa kotse. Hinalughog ko ng mabuti ang kotse ko na kulang nalang eh, baliktaran ko yun para itaktak. Pero walang susi. I sighed in frustration. Nasan na yung susi ng tindahan? Anong gagawin ko kapag nawala ko yung susi? Mafafire out ako? Oh, hinde… Hindi ako pwedeng mafire out!

 

Naalala ko na naman yung nangyari sa park. Napailing ako. Hindi ko kailangang maalala ang scandal na yun, specially not this time na I’m dealing with a matter between life and death! Hindi ko kailangang maalala yung kahihiyan na nabangga ako at…

 

I paused.

 

Napaisip ako. Nung nabangga ako, nabitawan ko ang bag ko at bumagsak ako. Nagkalat ang mga gamit ko. Nagmamadali akong pinasok lahat ng gamit ko sa bag. Naipasok ko naman lahat ng gamit ko.

 

Naipasok ko nga ba?

 

“Oh, cra…!” I cursed and mentally slapped myself. Di kaya naiwan ko sa park yung susi?! Oh, no, no. That was what, 4 hours ago?! Baka may nakakuha na nun!

 

Aalis na sana ako sakay ng kotse ng maalala ko na wala nga pala akong driver’s license na dala. At hindi nga rin pala ako basta – bastang pwedeng umalis dahil nasa oras pa ‘ko ng trabaho. Pero di bale na; importanteng mahanap ko ang susi ko. Sasabihan ko sina Ry na may emergency ako at kailangan kong umalis.

 

Dali – dali akong bumalik sa Ribbonlandia. Pagpasok ko dun, nakita ko si Ryoko na may kausap na customer. Lumapit ako sa kanya behind the counter and excused her mula sa customer. Narinig kong may sinabi yung customer, pero I paid it no mind at sinenyasan ko nalang yung isang kasama namin na tulunggan ang customer in Ryoko’s behalf.

 

“Layla, what’s wrong?”

 

“Ry, may emergency ako…”

 

“Ha? May pad ako sa restroom. Kumuha ka nalang dun.”

 

“What?” naguguluhan kong tanong sa kanya.

 

“You said emergency. It’s that time of the month, diba?”

 

Oo nga pala. We only use emergency kapag may period ang isa samin. Code namin yun.

 

“No, no. Hindi yun,” iling ko. Napakunot ang noo nya. “Ry, nawawala ang susi ko.”

 

“Anong susi?”

 

Napalunok ako. Nanlalamig ang mga kamay ko kaya hinawakan ko sya.

 

“Yung… Yung susi ko… ng store…”

 

Then there was a short moment of silence. Parang prino-process pa ng utak nya yung sinabi ko.

 

“WHAT…?!” napasigaw sya sa gulat. I cringed sa lakas ng boses nya. I expected it though. “Layl, you know termination ang consequence kapag nawala mo ang store key.”

 

“I know… I know… Kaya nga hahanapin ko, eh. Babalik ako sa park, baka may nakapulot sa susi ko.”

 

“Bakit sa park? How sure are you na nandun yun?”

 

“Eh kasi nga, nabangga ako sa park kanina, diba, dahil dun sa mga nagmemake out? Tapos…”

 

“EHEM.”

 

Napatingin kami ni Ryoko sa direksyon na pinanggalingan ng pekeng pagubo. Yung customer ni Ry kanina.

 

“Hi!” ngumiti sya samin. Wait, bakit parang pamilyar sya sakin?

 

“Oh, sorry,” sagot ni Ryoko. “Is there anything else that you need?” At pabirong hinampas ni Ryoko yung isang kasama namin na dapat tinawag ko kanina para tulunggan yung customer. “Sabi mo, you got this?” bulong nya sa kasama namin. Napakamot nalang ng ulo si extra.

 

Hindi ko padin maalis ang tingin ko sa customer. Saan ko ba sya nakita?

 

“So, what can we help you with, sir?” Tanong ni Ryoko.

 

Ngumiti ulit yung customer. At sa pagngiti nyang yun, parang nanlambot ang tuhod ni extra dahil muntik na syang bumagsak sa sahig kung hindi lang sya napahawak sa cake showcase.

 

“I believe I can help,” sagot ng customer. Napakunot ang noo ni Ry. “Her, actually,” sabay tingin sakin.

 

Ako? Ano namang matutulong nya sakin?

 

“I’ve finally found you!” sabi nya sabay ngiti sakin.

 

Found? Bakit nya ‘ko…

 

“Layl, kilala mo?” tanong ni Ryoko.

 

And then, it hit me.

 

Sya yung lalaking nakikimagmake out kanina sa park! Anong ginagawa nya dito sa Ribbonlandia?!

 

I Guess that’s Love: I.i

Itutuloy…

 


A/N:  Please like, comment and subscribe if you liked this story. It would mean a lot to me. Thank you, mucho – mucho! 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.