Prologue
“It isn’t something that builds up in an instant…
But a feeling that grows little by little at a time.
That feeling called love.”
-Mikuni Shimokawa
“Kyaaah!” Matinis na sigaw ng isang babae sa di kalayuan.
Napatingin ako sa katapat na bench kung saan ako nakaupo at nakita ang babaeng tumili. Nakatayo sya sa harap ng isang lalake na nakaluhod at may hawak na sing-sing. Nagproprose siguro.
“Babe, will you marry me?”
“Oo! I do, I do, I do!”
At napabuntong hiningi ang lalake bago tumayo. Tuwang tuwa ang babae sa singsing nya; minamadali pa nga nya ang lalake na isuot sa kanya ang singsing nya dahil ayon sa kanya, nasasayang ang kinang ng diamond. Nasasayang pala ang kinang ng diamond, no? Heh.
Hay, Layla. Umiral na naman ang pagiging sarcastic mo.
Tumayo ako sa bench ko at inayos ang mga gamit ko. At nagsimula akong maglakad paalis papunta sa parking lot. May pasok nga pala ako sa trabaho ngayon.
Tumingin ako sa paligid ko. Punong puno ang park ngayon, di tulad nung mga nakaraang araw na tumambay ako dito. Paboritong lugar ko kasi ang park na ‘to, kaya halos araw – araw din akong nandito.
Halos lahat ng nasa paligid ko, may mga kasamang significant other at yung iba, isang buong pamilya pa. Syempre, wag kalimutan na may nagpropose sa girlfriend nya sa harap ko, ah. Love is in the air.
Pero hindi yun applicable sakin.
Bakit? Dalawang rason.
Una.
Mas mahalaga sakin ngayon ang maestablish ang career ko. Sa edad ko kasing twenty three, ngayon palang ako gagraduate ng college. Bakit late? Wag judgmental dahil hindi purkit late na ‘kong gagraduate, eh, ibig sabihin na tamad ako at kung ano pang dahilan. Sabihin nalang natin na tumatakbo at gumagalaw ako sa sarili kong oras. At dahil narin wala akong direksyon sa buhay noong bata – bata pa ‘ko.
Kaya ngayong malapit na ‘kong grumaduate ng college, kailangan kong magfocus sa trabaho. Malapit na ‘kong maging full time sa Ribbonlandia, yung bakery sa malapit. Yun ang stepping stone ko sa pangarap ko.
At pagkatapos non, makakapagtayo na ‘ko ng sarili kong bakery na tatawagin kong Atelier!
Pangalawa.
Hindi din naman kasi ako naiinlove. Manhid na nga yata ako, eh.
Hindi, hindi.
Alien.
Alien ako na nagshape shift bilang isang tao.
NBSB kasi ako. No boyfriend since birth. At proud ako don.
Sa 23 years kong nabubuhay sa mundo, wala pa kong naging boyfriend o karelasyon. May mga nagustuhan din naman ako, pero wala, eh, hindi nagwork. At meron din namang mga nanligaw pero walang pumasa sa standards ko. Sing taas kasi ng Eiffel tower ang standards ko. Ang ganda ko, no? Syempre, dapat love yourself. Kaya naniniwala ako na maganda ako at may busilak na damdamin.
Although sabi din nga nila, baka daw lesbian na ‘ko. Wala lang boyfriend, lesbian na agad? Pwede namang hindi ko lang talaga priority ang love, diba? Hindi naman ako mapapakain at mabubusog nun. At bakit lesbian agad ang iniisip nila? Ang unfair nun para sa mga gay people. Ang akin lang naman, bakit ako magaaksaya ng oras sa mga lalaking dadaan lang naman sa buhay ko? Hindi ko naman kailangang mangolekta ng mga lalaki. Old school kaya ako. Wala namang kaso kahit hindi ako magkaron ng madaming boyfriend sa buhay ko, eh. Ang mahalaga, dumating ang right guy.
Yun nga lang, sa sobrang tagal nyang dumating, nakalimutan ko nadin sya.
Simple lang naman ang buhay ko. Daily routine ko na ang pumasok sa school, umuwi ng bahay, pumasok sa trabaho, umuwi ng bahay at pumasok ulit sa school kinabukasan. Then rinse and repeat.
Minsan, sa sobrang paulit ulit nalang ng mga nangyayari, kahit siguro tulog ako magagawa ko pa lahat yun.
Pero nung araw na yun, nawindang ang mundo ko.
Eksaktong pagkaliko ko sa isang corner malapit sa parking lot, nakakita ako ng milagro… este, scandal pala.
“Cyan, wag dyan. Nakikiliti ako…” sabay malanding tawa ng babaeng may mahaba at kulot na buhok. Maiksi ang suot nyang palda at nakasuot ng tank top. Sa itsura nya, mukang nageenjoy sya dahil hindi nya napansin na nagslide na pala pababa yung strap ng top nya. At kung makayakap sa lalaking kasama nya, akala mo linta.
At etong lalaking ‘to… mukhang enjoy na enjoy na din. Kung hindi pa siguro ako dumating, baka nahubaran na ‘to ng babaeng ‘to.
Teka, teka… Totoo ba ‘tong nakikita ko? The nerve of these people! Bakit sa dinami – dami ng lugar na pwede silang magmake out, dito pa talaga nila sa park naisipang gawin? Wala ba silang pangmotel? O kahit sa bahay nalang nila. Basta hindi sa pampublikong lugar.
Hiyang – hiya naman kami sa kanila.
Napansin na siguro nila ang existence ko dahil talagang tinitigan ko sila. Gusto kong maging aware sila sa paligid nila at maalala nila na hindi sa kanila ang park. At nung tumingin sila sakin, well…
Nasabi ko bang ayoko ng kahit anong klase ng confrontation?
Tinaasan ako ng kilay ng babae. Nainis siguro dahil naistorbo ko sila. Inirapan nya rin ako sabay flip ng kanyang mahaba at kulot na buhok.
“S – Sorry…” Wait, bakit ako nagsosorry? Sorry kasi naistorbo ko ang makeout session nila? Dapat nga sila ang nagsosorry sakin dahil sa abala na gawa nila, eh!
Tumalikod ako sa kanila. Ako ang nahihiya para sa kanila, eh.
Aalis na sana ako ng biglang nagsalita yung lalaking kasama nya. “Papunta ka ba sa parking lot?”
Napantingin ako sa kanya. Oo, papunta ako sa parking lot. Pero hindi ko na sya sinagot. Baka kung anong pang masabi ko… err, nung girlfriend nya pala. Ang sama na kasi ng tingin nya sakin.
“Pwede kang dumaan,” sabi ng lalake sabay ngiti. “Don’t mind us.”
Nung mga oras na yon, dun ko palang nakita ng mabuti yung itsura ng lalake. Kaya naman pala malakas ang loob nyang makipagmake out in public, eh. May itsura naman pala kasi. May itsura, as in gwapo. Para syang model. Medyo mahaba ang itim nyang buhok at and ganda ng mga mata nya na brown na bown. May hawig nga sya kay Te***i K***e, eh. May nageexist palang gantong klase ng nilalang?
“Miss, dumaan ka na kung dadaan ka,” sumbat ng girlfriend nya kaya napatingin ako sa kanya. “Wag kang masyadong maglaway dyan kase sakin sya no.” Sabay irap ulit sakin.
Nakakadami na din sya ng irap sakin, ah.
Pero kung sabagay, may point si guy. Bakit ko sila kailangang alalahanin, eh hindi naman sa kanila ang park at daanan na ‘to in the first place? Huh, may pagkagentleman din naman pala ‘tong lalake. Sayang nga lang, mukhang playboy.
“S – sorry ulit…” at nagsimula akong maglakad sa harap nila ng hindi inaalis ang tingin ko sa kanila. Wala na ‘kong ibang nasabi kundi sorry na para bang kasalanan ko pa ang lahat. And weird ko talaga. Ang dami kong gustong sabihin sa kanila sa utak ko, pero sorry lang ang lumalabas sa bibig ko.
Mababa ang confrontation level ko, eh. Kasi nga, diba? Ayoko ng kahit anong klase ng confrontation. At nahihiya narin talaga ako para sa kanila. Ang awkward na nga na makita silang nagmemake out, eh. Mas lalo pang naging awkward ng kausapin nila ‘ko.
At sa kamamadali ko, hindi ko napansin ang isang lalaking palapit sakin. At dahil don, nabangga ko sya at ayun, tumilapon ako sa sahig, sumabog ang bag ko at nagkalat ang mga gamit ko.
Dagdag kahihiyan na naman!!!
“Ui, miss! Sorry, sorry!” paumanhin nung nakabangga sakin at mabilis nya kong tinulunggang tumayo. “Hindi ko sinasadya. Okay ka lang ba?”
May sugat ako sa siko at masakit din ang pwet ko nung bumagsak ako, pero tumango nalang ako sa tanong nya. Sunod – sunod na yung kahihiyan na inabot ko sa araw na yun, quotang – quota na ‘ko. Napatingin ulit ako kay makeout boy at sa girlfriend nya at nakita ko ang pagtawa ni babae.
“What a klutz!” komento sya, sabay tawa ulit.
“Miss, may sugat ka,” sabi ni makeout boy at parang concerned pa ata.
Nung akmang lalapit sya sakin, dali dali kong kinuha yung mga gamit kong nagkalat..
“M – mauna na ‘ko…!”
“W – Wait…!”
At kumaripas ako ng takbo palayo sa kanilang lahat. Hindi ko na napansin na dumudugo na pala yung sugat ko sa siko. Pagdating ko sa parking lot, hinanap ko sa nagkalat kong bag yung susi, pumasok sa kotse at dali – daling nagdrive paalis. Ang nasa isip ko lang nung mga oras na yun, eh makalayo sa park as far away as possible.
At sana…. Sana hindi ko na maencounter ang kahit sino sa kanilang tatlo. Gusto ko nalang kalimutan ang nangyari sa park no.
Pero simula palang pala yun.
Hindi ko alam na may dadating palang bagyo sa mga susunod na araw…
I Guess That’s Love: Prologue
A/N: Hi guys! Thanks for reading the prologue for I Guess That’s Love! Matagal ko nang sinulat ang story na ‘to and honestly, script format talaga ‘to originally. But since maraming nagsuggest na itry kong isulat sa narrative, I gave it a shot. And voila, here’s the finished product!
Mas mabilis ang update nito compared sa K I S M E T since tapos na ang story na ‘to. So, kung binabasa mo ang K I S M E T, don’t worry! Mabagal lang akong magupdate. 🙂
Please like, comment and subscribe if you liked this story. It would mean a lot to me. Thank you, mucho – mucho!